Mahirap ang magpatawad at mahirap ang lumimot. Pero kailangan mong sumubok magpatawad. Dahil ang DIYOS, hindi nagdalawang-isip na patawarin ka!
Minsan naitatanong mo kung totoo ba ang DIYOS? Kung nandiyan ba Siya? Bakit pinapahirapan ka Niya? Bakit hinahayaan Niyang mahirapan ka? Bakit hindi ka Niya marinig? Bakit hindi Niya makita ang mga paghihirap mo?
Pero minsan ba tinanong mo ang Diyos kung ano ang purpose Niya at hinayaan Niyang mangyari iyan sa'yo? Minsan ba naitanong mo, "Ama, ano po ba ang gusto niyong ipabatid sa akin? Ama, ano po ba ang gusto Niyong bagohin sa akin? Ama, ano po ba ang babagohin ko sa sarili ko? Ama, ano po ang kulang sakin?" Minsan ba nasabi mo sa Diyos, "Lord, let your will be done on me! I know your plans are greater than mine! Let it be done on me!!!" Pagod ka na ba sa mga pagsubok mo? Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa buhay mo? Gusto mo na bang sumuko? Gusto mo na bang bumitiw?
Sige lang, umiyak ka. Pumikit ka at umiyak... I-offer mo lahat sa Diyos. I-kwento mo kay AMA, papakinggan ka niya. Ibuhos mo sa kanya ang hinaing mo sa buhay, maiintindihan ka niya. Kumapit ka sa kanya! Ibigay mo sa kanya ang iyong puso, ang iyong alalahanin, ang iyong iniisip. Ibigay mo lahat sa kanya. Nakahanda Siyang tanggapin ka, sampo ng mga bigat na pinagdadaanan mo sa buhay. Hang it on HIM. He listens and He moves! |
Azel TafallaAt your service Lord... |